Sinangkutsa hanggang matuyo ang natitira kong bait.
Ngunit ito ba'y para sumingaw ang pait?
Sa palabirong drayber ay sumigaw ako ng "para".
Namamalik-mata ba ako? Nakanino ba talaga ang manibela?
Paglingon ko nakatutok ang mga camera...
Cut! Teka sino ba ang direktor dito? Nais ko ng komedya
pero bakit ang biro'y hindi nakakatawa?
Naging mabuti naman akong tauhan sa pelikulang ito...
Pinagmabuti ko ang parte ko...
pinilit kong magpakatotoo..
Ngunit bakit hindi ko pa maaninag ang masayang wakas?
Wakas...
ngunit di ko pa nais mag-wakas...dahil ito di'y wakas ko...
kailangan ko lang ng bagong yugto...
yugtong masaya sa bawat tauhan at magiging tauhan
sa telenobelang ito...
Season break...